Pinanganak kaba na kulot ang buhok? Alam naman natin na hindi biro ang magkaroon ng kulot na buhok at nakakawala ito ng confidence kung hindi naalagaan ng maayos, di ba? Pero, worry no more! I will give you seven expert tips para mapanatili ang ganda ng iyong kulot na buhok at feeling fresh padin araw-araw.
Let’s start with:
Table of Contents
Toggle1. Pag-apply ng Oil Bago Maligo
Sa Pilipinas espacially in rural areas, naging kaugalian na ang pag lagay ng coconut oil sa buhok bago maligo.
Ginagamit ito sa pangkalahatang kalusugan ng iyong kulot na buhok na nakakatulong sa pag-aayos ng na damage na buhok sa pamamagitan ng paglambot, pag-hydrate, at pagpapatibay ng mga marupok at nasirang hibla. nakakatulong din ang coconut oil na protektahan ang hair strands sa harsh effects ng tubig.
Bukod dito, ang paggamit ng coconut oil ay nakakatulong din sa pagpapalakas ng natural na shine at pagpapabuti ng overall texture ng iyong kulot na buhok.
2. Tamang Paghugas ng Buhok
Sa pagligo, iwasang gumamit ng hot water instead, gumamit ng cold/lukewarm water para sa iyong kulot na buhok. Ang hot water ay nakaka sanhi ng dandruff(balakubak) sa anit at nakakapagdry ng iyong buhok.
Iwasan din na palaging pagbanlaw ng iyong buhok upang hindi din mawala ang natural oil na prinoproduce ng ating scalp.
Dagdag pa, ang tamang paghugas ay tumutulong sa pagpapanatili ng natural na kulot at pag-iwas sa unnecessary frizz at damage.
Plus ang cold water ay nakakapagpalakas ng immune system at pagpapaganda ng mood.
3. No Shampoo Method
May kasabihan na hindi dapat gumagamit ng shampoo ang mga may natural born kulot na buhok dahil ito din ang dahilan kung bakit nagiging buhaghag ang buhok at mukhang sabog.
Sa pagpili ng shampoo para sa iyong kulot na buhok, siguraduhing hiyang at proven and tested mo na ito at hindi nagreresulta ng balakubak. Sa paggamit ng traditional shampoo, maaaring magsanhi ito ng dryness and dullness dahil sa chemical na “sulphate” na nagpapabula nito.
Kung hindi sanay sa paggamit ng shampoo, piliin ang brand na may sulphate-free shampoo upang maiwasan ang pagkabuhaghag.
Mas mainam nang gumagamit ng conditioner upang maging mas shiny, soft and bouncy ang iyong buhok throughout the day. Magsimula sa dulo pataas ng buhok.
Bukod dito, ang No Shampoo Method ay nakakatulong din sa pagpapanatili ng natural na curl pattern at pag-iwas sa pagkasira ng buhok.
4. Angkop na Suklay para sa Buhok na Kulot
Gumamit ng wide-tooth comb o kaya naman ay ang iyong daliri sa pagsukay. Advisable na magsuklay ng buhok pagkatapos maligo upang tanggalin ang mga kink of nag buhol na mga kulot na buhok para maiwasan ang matting(pagdikit dikit ng buhok).
Magsimulang magsuklay sa dulo pataas ng buhok. Iwasang magsuklay ng tuyo ang buhok upang hindi maglagas at numipis ang iyong buhok.
Ang paggamit ng tamang suklay ay mahalaga rin para mapanatili ang natural na hugis ng iyong kulot na buhok at para maiwasan ang pagkasira nito.
5. T-shirt & Air-drying Technique
After maligo, mas mabuting gumamit ng any t-shirt upang patuyuin ang buhok. Naka ugalian na nating Pilipino ang pagkuskos ng buhok pagkatapos maligo gamit ang towel.
Kapag ikaw ay my kulot na buhok, iwasang gumamit ng tuwalya na pantuyo mas mabuting gumamit ng t-shirt at ibalot ang iyong buhok at hayaang matuyo atleast 50-60% dryness.
Pagkatapos ay tumapat sa electric fan o sa free air upang matuyo ng tuluyan ang buhok. Iwasan ding gumamit ng blow dryer dahil nakakasanhi din ito ng dryness at dullness ng buhok.
6. Iwasang Mababad sa Arawan
Sa Sobrang pagbabad ng buhok sa araw ay nagdudulot ng dryness dahil sa ultraviolet rays. Kung hindi maiiwasan at my event o lakad, magdala ng sumbrero or apply a bit of conditioner with UV protection.
Ang paggamit ng mga produkto na may antioxidants ay makakatulong din na labanan ang pinsala dulot ng free radicals na sanhi ng araw.
Mahalaga rin ang regular na pag-hydrate ng buhok, lalo na pagkatapos ng mahabang oras sa ilalim ng araw, upang maibalik ang moisture at maiwasan ang pagiging brittle at tuyot ng iyong kulot na buhok.
7. Routine Bago Matulog
Last but not least, bago matulog, i-wrap ang buhok sa silk scarf or pillowcase upang maiwasan ang friction na nagsasanhi ng kink at pag ka buhaghag ng kulot na buhok.
Ang ibang style ay pagtali ng iyong buhok but only loose upang di mag sanhi ng pagka wavy ng buhok. This will help keep your curls looking fresh and fabulous kinabukasan.
Madalas na kailangan ng trial and error para makahanap ng pinakamainam na routine para sa iyong kulot na buhok, kaya huwag panghinaan ng loob kung hindi gumana ang isang produkto para sa iyong buhok.
Kung may mga tanong ka kung paano alagaan ang makapal at kulot na buhok, mag set ng appointment at ChachihairstoryII upang makausap at magkaroon ng iba pang idea o solusyon para sa iyong kulot problems.