Pangkulay ng Buhok: Mga gamit at Steps kung Paano Magkulay DIY

Naka apply ang Pangkulay ng Buhok(hair dye)

» Sa panahon ngayon, popular na ang DIY pangkulay ng buhok at home. Pero, marami pa rin ang nagtatanong, “safe ba talaga magkulay ng buhok sa bahay?”

» Kung naghahanap ka ng paraan upang magkaroon ng “new look” sa pamamagitan ng pagkulay ng iyong buhok at home, basahin ang aking blog sa pagabay na siguradong makakatulong kung paano kulayan ang iyong buhok sa bahay.

» Mula sa Importanteng paghahanda hanggang sa pag-aapply ng pangkulay, at mga tips kung paano mapapaganda ang kulay nito.

 

Ligtas ba ang pagkulay ng iyong buhok sa bahay?

Oo – karaniwang ligtas naman ang DIY pagkulay ng iyong buhok gamit ang box dye basta’t sundin ang mga sumusunod:

 

Sundin nang Maigi ang Instruction

» Siguraduhing basahin at sundin ang mga instruction na kasama ng pangkulay ng buhok kit. Ito ay para matiyak na tama at ligtas ang gagamiting ng produkto.

 

Magpatch Test

» Bago maglagay ng pangkulay ng buhok, gumawa muna ng patch test. Maglagay ng kaunting pangkulay sa hindi halatang bahagi ng katawan, tulad ng likod ng tainga, at maghintay ng 48 oras para tingnan kung may allergy o hindi hiyang ang product na gagamitin.

 

Gumamit ng Quality brands

» Pumili ng kalidad na pangkulay ng buhok, mas mabuting  gumamit ng hindi matapang na kemikal tulad ng ammonia o PPD (para-phenylenediamine), para maiwasan ang panganib ng pagkasira ng iyong buhok at anit.

 

Tamang Ventilation

» Siguraduhing nasa maayos at sa ventilated na lugar kapag ikaw ay nagkukulay ng buhok. Ang mga usok mula sa pangkulay ng buhok ay malakas at maaaring mapanganib kung malalanghap ng isang individual.


 

Gaano kadalas dapat mong kulayan ang iyong buhok?

» Nakadepende ito sa iyong buhok – kung mabagal ang pagtubo ng iyong buhok, hindi mo kailangang kulayan ito nang madalas kumpara kung mabilis ito tumubo.

» Gayunpaman, I recommend na kulaya ang iyong buhok every 4-6 na linggo para manatiling sariwa at kaaya-aya ang kulay.

» Mag-ingat kung balak mong kulayan ang iyong buhok nang madalas – ang labis na pagkulay ng buhok ay maaaring madamage ang iyong buhok, na magdudulot ng pagiging marupok ng mga hibla, pagkakaroon ng split ends, at kahit pagputol ng buhok.

» Kung nasobrahan ka sa paggamit ng pangkulay ng buhok, ang paggamit ng deep conditioner ay isang magandang solusyon para maibalik ang lambot, labanan ang pagkatuyo ng mga hibla, at bigyan ng nourishing boost ang iyong buhok.


 

Mga gamit pangkulay ng Buhok

Mga gamit pangkulay ng buhok

Bago magsimula, siguraduhin na kumpleto ang mga gagamitin. Narito ang mga listahan:

     

      • Hair dye kit

      • Latex-free disposable gloves

      • Old towels or cape to protect your clothes

      • Timer, para eksakto ang pag-develop ng color

      • Comb and clips for sectioning your hair

      • Petroleum jelly para iwas stains sa balat

      • Wipes

      • Hand held mirror


     

    Mga Dapat Gawin Bago Kulayan ang Iyong Buhok sa Bahay

    » Mahalagang paghandaan ang pagkukulay para makamit ang propesyonal na itsura ng buhok.

    » Para sa magandang resulta, I recommend na hugasan muna ang iyong buhok gamit ang clarifying shampoo 24 hours bago kulayan, huwag lalagpas.

     » Pwedeng gamitin ang iyong normal na conditioner, ngunit mas makakabuting iwasan ang paggamit ng deep conditioner bago kulayan ang iyong buhok dahil sa posibleng pag-ipon ng produktong ginamit.

    » Huwag gumamit ng anumang produkto tulad ng hairspray o mousse bago mo kulayan ang iyong buhok.

     » Siguraduhing free ang iyong buhok mula sa anumang styling products, dahil ang anumang build-up ay pipigil sa pangkulay ng buhok ns maayos na makapasok sa hibla ng iyong buhok.


     

    Paano kulayan ang buhok a step-by-step guide

    Hair Sectioned before applying hair dye(pangkulahy ng buhok)

    Step 1: Siguraduhing mayroon sapat na pangkulay ng buhok para sa haba at kapal ng iyong buhok.

    Mahirap nang maubusan ng pangkulay ang iyong buhok habang nag aapply, iplano nang maaga at bumili ng higit sa isang kahon ng pangkulay. Mas mabuti nang sobra kaysa kulang.

     

    Step 2: Basahin muna ang instruction sa pakete.

    Mahalaga ang part na to – basahin ng mabuti ang mga instruksyon na nakalagay sa box. Iba-iba ang bawat home box dye, kaya siguraduhing basahin at sundin ang mga instruksyon para sa magandang resulta.

     

    Step 3: Hatiin ang buhok sa mga seksyon gamit ang comb and clips.

    Para sa pantay na aplikasyon, mas mabuting hatiin ang iyong buhok sa mga seksyon para hindi malampasan ang anumang bahagi at makuha mo ang pantay na kulay.

     Simulan sa mga likod at magtrabaho papunta sa mga harapang seksyon ng iyong buhok para maiwasan ang pagdikit ng pangkulay ng  buhok sa balat na maaring magdulot ng mantsa.

     

    Step 4: Simulan pagkulay sa roots ng iyong buhok.

    Mahalaga ang paglalagay ng pangkulay simula sa roots ng iyong buhok dahil ang mga ito ay hindi gaanong expose na bahagi at hindi madaling masira.

     

    Step 5: Hayaang mag-develop ang kulay habang nakababa ang iyong buhok.

    Panatilihing maluwag ang iyong buhok matapos mong iapply ang pangkulay para siguraduhing pantay na pagkakalagay neto.

     Kung nag-aalala na mantsahan ang iyong damit, magbalot ng lumang tuwalya o damit sa iyong balikat at likod.

    Sundin ang oras na nakalagay sa instruction.

     

    Step 6: After mag-develop, gamitin ang conditioner na kasama sa pakete.

    Ang pag-apply ng conditioner sa iyong buhok pagkatapos magkulay ay nagbibigay glossy look. Matapos mong banlawan ang iyong buhok, ang paglalagay ng conditioner sa colored hair ay nagdudulot ng pag-lock in ng kulay at maiwasan kumupas.


     

    Expert tips sa pagkulay ng iyong buhok sa bahay

       

        • Use the right shade: Piliin ang shade na bagay sa skin tone. Kung first time, try something na hindi sobrang layo sa natural hair color mo.

        • Take care of your colored hair: After magkulay, use sulfate-free shampoo and conditioner para mas tumagal ang vibrant ng color.

        • Hydration is key: Mag-apply ng hair mask once a week para ma-maintain ang softness ng hair.

      Kung Hindi Sigurado ang iyong gagawin, mas mabuting kumonsulta sa eksperto upang hindi masira ang buhok. Chachi Curtis Smith