» Sa panahon ngayon, kung saan maraming tao ang nahaharap sa problema ng “patay na buhok” o damaged hair dahil sa iba’t ibang factors tulad ng pollution, stress, at maling pag-aalaga ng buhok.
» Ano nga ba ang patay na buhok, sanhi at natural na solusyon upang buhayin muli ang mga namatay na buhok.
Table of Contents
ToggleAno ang Patay na Buhok?
» Ang patay na buhok ay tumutukoy sa buhok na nawalan ng moisture at vitality. Ito ay madalas na tuyo, kulot, at madaling mag-break o mag-split ends.
» Ang kondisyong ito ay hindi lamang pangit tingnan ngunit maaari ring maging senyales ng hindi malusog na anit at buhok.
Mga Sanhi ng Pagkapatay na Buhok
» Maraming factors ang maaaring magdulot ng patay na buhok. Narito ang ilan:
1.Coloring and Bleaching Treatments (strong checmical)
» Sa Palaging pagkulay at pagbleach ng iyong buhok, na aapektuhan neto ang iyong hair cuticle at nagiging sanhi ng pagkadry o pagkapatay ng iyong buhok.
2. Pagplantsa ng buhok
» Marahil ikaw ay nag-eenjoy sa pagpapalit-palit ng iyong hairstyle gamit ang blow dryer, curling iron, o hair straightener. Ngunit ang mga hibla ng iyong buhok ay palaging nadadamage sa tuwing paggamit neto.
» Pinapahina neto ang fiber ng buhok, at ang patuloy na pagkababad sa init ay maaaring magresulta sa tuyo at marupokna buhok.
3. Pagbabad sa tirik na araw
» Ang UV ng araw ay maaaring makasira sa cuticle ng iyong buhok pagkatapos ng matagal na pagkababad na nagiging sanhi ng pagkatuyo, marupok, at buhaghag. Maaari rin itong magdulot ng hair discoloration.
4. Hindi pag moisturize ng buhok
» Isa din sa sanhi ng pagkakaroon ng patay na buhok ay ang madalas na paggamit ng chemical shampoo at pag skip ng conditioner.
» Ang mga traditional shampoo ay mayroong sulphate na isang chemical na nagpapabula sa shampoo at nagdudulot din ng pagkadry ng buhok.
10 Natural na Solusyon para sa Patay na Buhok
1. Coconut Oil Treatment
» Ang langis ng niyog ay kilala sa kakayahang magbigay ng nutrisyon at hydration sa buhok. Ito ay epektibong natural na lunas para sa patay na buhok.
» Maglagay ng virgin coconut oil sa iyong buhok at anit, iwanan ito ng ilang oras o magdamag para mas maging epektibo, at pagkatapos ay banlawan.
2. Aloe Vera
» Aloe Vera ay hindi lang maganda sa balat ngunit pati na rin sa buhok. Ito ay may properties na nakakatulong sa pag-repair ng damaged hair strands.
» Mag-apply ng sariwang Aloe Vera gel sa iyong buhok at anit, hayaan ito ng ilang oras, at pagkatapos ay hugasan.
3. Egg Hair Mask
» Ang itlog ay mayaman sa protina na essential para sa malusog na buhok. Ang egg hair mask ay isang effective na paraan para maibalik ang lakas at kinang ng buhok.
» Paghaluin ang itlog at ilang patak ng lemon juice, i-apply sa buhok, at banlawan pagkatapos ng 30 minutos.
4. Pag-iwas sa Chemicals
»Isa sa mga pangunahing sanhi ng patay na buhok ay ang labis na paggamit ng mga produkto na may matapang na kemikal.
» Subukang iwasan ang mga ito at pumili ng mga produktong may natural ingredients.
5. Proper Diet
» Ang pagkakaroon ng balanced diet na mayaman sa vitamins at minerals tulad ng Vitamin E, iron, at omega fatty acids ay mahalaga para sa pagpapanatili ng malusog na buhok.
6. Regular Trimming
» Regular na pagpapagupit ng buhok ay nakakatulong sa pag-alis ng split ends at sa pag-promote ng hair growth. Gupitin ang mga dulo ng buhok kada anim na linggo.
7. Banana Hair Mask
» Ang banana hair mask ay may natural na oils at potassium na nakakatulong sa pagpapalambot at pagpapakintab ng buhok. Paghaluin ang dinurog na saging at honey at iapply sa buhok at ibabad ng ilang minuto bago banlawan.
8. Pag-inom ng 8 glass of water
» Ang hydration ay hindi lamang mahalaga para sa ating katawan kundi pati na rin sa ating buhok. Ang sapat na pag-inom ng tubig araw-araw ay nakakatulong sa overall health ng iyong buhok.
9. Apple Cider Vinegar Rinse
» Ang apple cider vinegar ay mabisa sa pagbalanse ng pH level ng anit at buhok. Maghalo ng apple cider vinegar at tubig at gamitin ito bilang final rinse pagkatapos mag-shampoo.
10. Maligamgam na Langis ng Oliba
» Ang warm olive oil ay mayaman sa antioxidants at nagbibigay ito ng deep conditioning sa buhok. I-massage ito sa iyong anit at buhok, iwanan ng ilang oras, at pagkatapos ay banlawan.
Salon Treatments para sa Patay na Buhok
» Bukod sa natural na solusyon, mayroon ding mga salon treatments na maaaring makatulong sa pag-revive ng patay na buhok. Kasama na rito ang keratin treatment, deep conditioning masks, at professional hair spas.
» Mahalagang konsultahin ang iyong hairstylist para sa tamang treatment na angkop sa iyong hair type at condition.
» Kumonsulta kay Chachi Curtis Smith para sa salon treatment home service using organic products.
Konklusyon
» Ang pagkakaroon ng malusog at buhay na buhok ay hindi kailangang maging komplikado o mahal. Sa pamamagitan ng natural na mga solusyon at tamang pag-aalaga, maaaring maibalik ang sigla ng patay na buhok.
» Tandaan, mahalaga rin ang regular na pag-consult sa iyong hair care specialist para sa karagdagang payo at treatment depende sa kondisyon ng iyong buhok